-- Advertisements --

Umabot na sa P10M ang alok na pabuya para sa makapagtuturo sa kinaroronan ng umano’y co-mastermind sa kaso ng pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nito.

Kinilala ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo ang nasabing co-mastermind na si Wenli Gong na isang Chinese national na kilala rin sa ibang pangalan na Kelly Tan Lim, Bao Wenli, Axin, at Huang Yanling.

Ayon kay Fajardo, layon ng pabuyang ito na mapabilis ang pagkakadakip o pagkaka aresto kay alias Kelly .

Kung maaalala, unang inanunsyo ng PNP ang P5M na reward money .

Tinukoy na rin ng PNP ang kabuuang limang suspect sa kaso ng pagpatay .

Tatlo sa mga ito ang kasalukuyang nasa kanilang kostodiya na kinabibilangan ni David Tan Liao, Richardo Austria, and Reymart Catequista.

Patuloy paring pinaghahanap ng mga otoridad sina Jonin Lin at alyas Kelly.

Si Kelly ay Lin ay sinasabing kapwa mastermind sa pagpatay kay Que at driver nito habang ang natitirang tatlo ay mga kasabwat.