Tuluyan ng dinis-qualified ng Commission on Election (COMELEC) si Atty. Ian Sia na tumatakbong kongresista ng lungsod ng Pasig.
Kasunod ito sa single mother joke nito at ang body-shaming ng dating kasamahan.
Ayon sa COMELEC Second Division na ang pahayag ni Sia ay hindi tama subalit ito ay hindi makatarungan at nakakasakit sa prinsipyo para sa pagsusulong ng patas na halalan.
Nakasaad pa sa nasabing resolusyon na ang pahayag nito ay ang bagsak sa standards na nais na magsilbi sa mamamayan.
Magugunitang nagsampa ng disqualification case ang Solo Parents party-list laban kay Sia dahil sa biro nito sa isang kampanya kung saan ang mga single parent ay maaring sumiping sa kaniya.
Una ng ipinaliwanag ni Sia na ang pahayag niya ay hindi para siraan o i-harass ang mga babaeng solo parents kung saan sinisi pa nito ang nag-upload ng video.
Maari pang umapela si Sia sa Korte Suprema at sakaling manalo ito sa halalan ay hindi ito puwedeng maiproklama hanggang walang desisyon ang korte.