-- Advertisements --
Pinayuhan ng pamunuan ng Department of Agriculture ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng imported na puting sibuyas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maaari kasing kontaminado ito ng salmonella at heavy metals.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos na ilang tonelada ng gulay mula sa Pampanga ang nagpositibo sa nasabing bacteria.
Sa ulat ng mga otoridad, nagmula sa China ang kabuuang 34 na metric tons ng puting sibuyas at ito ay ilegal na ipinasok sa bansa.
Manila-based Leksei B. Specialized Goods Trading ang nagsilbing consignee nito na dumating sa Subic Port.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa natutang insidente.