-- Advertisements --

Lumobo pa sa 80,448 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, aabot sa 2,110 ang bilang ng mga bagong kasong inireport ng 66 mula sa90 laboratoryo.

Pinakamaraming naitalang kaso sa National Capital Region na may 1,345 new cases; 304 sa Cebu; 109 sa Laguna; 66 sa Negros Occidental; at 40 sa Rizal.

Ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling ay nasa 52,406.

Binubuo ito nito ng 89.83-percent na mga mild, 9.25-percent asymptomatic, 0.49-percent severe, at 0.42-percent critical.

“Seventy-four (74) duplicates were removed from the total case count. Of these, twenty-two (22) recovered cases and three (3) deaths have been removed.”

Samantala, ang numero ng mga gumaling ay nasa 26,110 bunsod ng 382 na recorded new recoveries.

Ang total deaths naman ay nadagdagan ng 39, na ngayon ay umaabot na sa 1,932.

“Of the 39 deaths, 35 (90%) in July, 2 (5%) in June, 2 (5%) in April. Deaths were from NCR (17 or 44%), Region 7 (14 or 36%),Region 4A (2 or 5%),Region 9 (2 or 5%), Region 11 (2 or 5%), Region 1 (1 or 3%) and CARAGA (1 or 3%),” ayon sa DOH.

“We have updated the outcomes of three (3) cases. One (1) was previously reported as a death but updated as recovered and two (2) cases were previously reported as recovered but updated as deaths after final validation; these are included in the count of new deaths and recoveries.”