-- Advertisements --

Pumalo na ng 261,216 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas dahil sa 3,372 na mga bagong kaso ng sakit, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa inilabas na case bulletin ng ahensya, may 10 laboratoryo muli na bigong makapag-submit ng kanilang mga datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS). Kabilang dito ang:

  1. AFRIMS- Collaborative Molecular Laboratory (VLUNA)
  2. AL Molecular Diagnostic Laboratory
  3. Amosup Seamen’s Hospital
  4. Bacolod Queen of Mercy Hospital
  5. Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory
  6. Divine World Hospital
  7. Ilocos Training Regional Medical Center (GX)
  8. Marikina Molecular Diagnostic Laboratory
  9. Philippine Airport Diagnostic Laboratory
  10. Teresita Jalandoni Provincial Hospital

Mula higit 3,000 new cases, 85% o 2,850 raw ang nag-positibo sa nakalipas na 14 na araw.

“The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,070 or 38%), Region 4A (577 or 20%) and Region 3 (305 or 11%).Of the 79 deaths, 57 occurred in September (72%), 14 in August (18%) 6 in July (8%) 1 in June (1%)
and 1 in March (1%).”

Aabot pa sa 49,277 ang active cases o mga nagpapagaling. Nabawasan ang higit 66,000 na total kahapon matapos ang Oplan Recovery ng ahensya.

Sa ngayon, 207,568 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling dahil sa 20,472 additional recoveries. Habang 79 ang nadagdag sa death toll na 4,731.

” There were 19 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 12 recovered cases have been removed.”

“Moreover, there were eight (8) cases that were previously reported as recovered but after final validation, they were deaths (7) and active (1) cases.”