-- Advertisements --

Itinakda na ang Miss Grand Philippines 2025 coronation night sa darating na Agosto 12, 7:00 p.m., na gaganapin sa isang sikat na mall sa Pasay.

Aabot sa P500 (general admission) hanggang P10,000 (SVIP) ang ticket. Mapapanood din ang event nang live sa official YouTube channel ng pageant.

Magkakaroon ng pagkakataong makamit ng Pilipinas ang back-to-back win sa Miss Grand International sa papalit kay CJ Opiaza —ang kauna-unahang Filipina na nakoronahan bilang Miss Grand International.

Bukod sa Miss Grand Philippines crown, tatlong iba pang titulo ang nakahanay Miss Asia Pacific International Philippines,
Reina Hispanoamericana Filipinas, at Face of Beauty International Philippines.

Matatandaang si Opiaza ay umangat mula first runner-up upang tuluyang makuha ang international crown noong Hunyo 3 sa Thailand, kasunod ng pag-atras ni Rachel Gupta ng India dahil sa hindi pagkakaunawaan sa organisasyon.