-- Advertisements --

Nakatakdang koronahan bilang Miss Grand International sa darating na Hunyo 3 si Christine Julianne ā€œCJā€ Opiaza.

Kasunod ito sa pagkakatanggal sa winner na si Rachel Gupta dahil sa kaniyang social media post.

Sa social media post ng Miss Grand International 2024 ay ibinahagi nila ang larawan ni Opiaza.

Gaganapin ang coronation sa MGI Hall sa Bangkok, Thailand.

Kinumpirma mismo ni MGI president Nawat Itsaragrisil ang pag-upo ni Opiaza.