Matapos isuko ang kanyang korona bilang Miss Grand International 2024, isiniwalat ng 21-anyos na si Rachel Gupta mula sa Jalandhar, India, ang umano’y pang-aabuso, harassment, at pananakot na kanyang naranasan mula sa Thailand-based pageant organization na Miss Grand International.
Ayon kay Rachel, pinintasan umano ang kanyang katawan at inatake pa sa social media gamit ang mga larawan na animo’y sumasailam siya sa plastic surgery. Bukod dito, hindi rin umano siya binayaran ng organisasyon ng buwanang stipend matapos ang unang buwan, bagay na labag umano sa kanilang kontrata.
‘I was not paid any stipend after the first month of winning the crown. I had to seek financial support from my parents in Jalandhar even for basic needs like food and it did not feel good,’ ani Gupta.
Dagdag pa ni Rachel, hindi rin aniya natupad ang pangakong international tour, na umabot lamang sa isang bansa imbes na 20. Sinabi rin niyang may mga nakaraang beauty queens na dumaan din daw sa katulad nyang nakaranas ng harassment at pamimilit sa plastic surgery.
Bagama’t pinag-iisipan pa ni Rachel ang pagsasampa ng kaso, iginiit niyang may hawak siyang mga ebidensyang nagpapatunay ng kanyang alegasyon.
‘I have ample proof of the harassment that I have faced, including screenshots of the texts exchanged with them,’ wika pa Gupta.
Sa kabila ng alegasyon ng organisasyon na lumabag siya sa kontrata sa pamamagitan ng pagdalo sa ilang events sa India, nilinaw ni Rachel na may pahintulot niya itong ginawa at ang mga ito daw ay mismong ipinost pa ng organisasyon bilang papuri.
‘I had been barred from doing any programmes in India. But I messaged them about certain good events I had in hand. I still have messages wherein they gave their consent. They even asked for pictures of these events and put these out on their social media pages as an appreciation of the same. So, their allegations are baseless,’ paglalahad pa ni Rachel.