-- Advertisements --

Pormal nang sinimulan ang kauna-unahang Miss Grand International All Stars (1st Edition) matapos idaos ang “Welcome All The Stars to Bangkok & Sashing Ceremony” nitong Mayo 19, 2026 sa MGI Hall.

Ang nasabing event ay nagsilbing opisyal na pagsisimula ng kompetisyon para sa veteran-focused edition ng pageant, kung saan 58 kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang kalahok.

Pinangunahan ang programa ng Filipino host na si Miss Grand International 2024 CJ Opiaza.

Sa naturang seremonya, isa-isang ipinakilala ang mga kandidata at opisyal na isinusuot sa kanila ang personalized MGI All Stars sashes na may kani-kanilang pangalan.

Nagningning naman ang presensya ng mga kinatawan ng Pilipinas na nagpakita ng kumpiyansa sa entablado kung saan suot ang kanilang presentation swimsuit at gown.

Kabilang sa mga Pinay delegates ay sina Gazini Ganados, Alexia Nuñez, Fuschia Anne Ravena, Keylyn Trajano, at Imelda Schweighart.

Ayon sa organizers, ang MGI All Stars ay espesyal na edisyon ng pageant na bukas para sa international pageant veterans na may edad 20 hanggang 40 na hindi pa hindi pag nagkakaroon ng major crowns.

Magpapatuloy ang kompetisyon sa Thailand hanggang sa final coronation night na nakatakda sa Mayo 30, 2026.