Muling pinatunayan ni Gazini Ganados ang kanyang lakas sa international pageantry matapos makapasok sa Top 3 ng Preliminary Swimsuit Competition ng Miss Grand International All Stars 2026.
Sa inilabas na resulta ng kompetisyon, nakakuha ang Filipina beauty queen ng score na 9.79, dahilan upang mapasama siya sa mga may pinakamataas na marka sa gabi at mapatibay ang kanyang kampanya para sa kauna-unahang Miss Grand All Stars crown.
Nanguna sa swimsuit preliminary ang kandidata ng Ghana na si Faith na may 9.88, kasunod ang Colombia na si Vanessa Pulgarin na may 9.84, habang si Gazini ang pumangatlo.
Ayon sa mga pageant observers at fans, muling ipinamalas ni Gazini ang kanyang commanding runway walk, confidence, at strong stage presence na naging dahilan upang makuha ang mataas na marka mula sa mga hurado.
Sa kabuuang Top 15 preliminary swimsuit rankings, kinabibilangan din ito ng mga kandidata mula Venezuela, Dominican Republic, Armenia, Ecuador, United Kingdom, Thailand, at iba pang bansa, na nagpapakita ng matinding kompetisyon sa All Stars edition ng pageant.
Gaganapin ang coronation night sa May 30 sa Bangkok, Thailand.
















