-- Advertisements --

Handa na ang beauty queen na si Gazini Ganados para sa kanyang laban sa kauna-unahang Miss Grand International All Stars pageant matapos siyang opisyal na dumating sa Bangkok, Thailand.

Sa kanyang unang araw sa pageant festivities, rumampa si Gazini suot ang isang phoenix-inspired ensemble na likha ng Filipino designer na si Patrick Isorena.

Mas lalo pang umingay ang pangalan ni Gazini matapos siyang mapasama sa Top 5 ng unang Hot Picks list ng Missosology para sa Miss Grand International All Stars competition.

Samantala, nakapasok naman sa Top 20 sa ika-11 puwesto ang Filipina trans queen na si Fuschia Ravena.

Kabilang sina Gazini at Fuschia sa 59 kandidatang maglalaban sa kauna-unahang All-Star Edition ng naturang international pageant. Makakasama rin nila ang kapwa Filipina candidates na sina Imelda Schweighart, Keylyn Trajano, at Alexia Nunez.

Bukas ang kompetisyon para sa lahat ng kababaihan at trans women na may edad 20 hanggang 40 taong gulang na dati nang sumali sa anumang international pageant.