Mas umiinit ngayon ang laban sa MGI All Stars matapos ianunsyo ang pagsali ni Sthefany Gutierrez ng Venezuela, na naging second runner-up ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018.
Sa kanyang profile bilang kandidata, pinuri si Sthefany sa kanyang “poise, intelligence, at charisma,” pati na rin sa kanyang dedikasyon at disiplina sa mundo ng pageantry.
Sa naturang kompetisyon ng Miss Grand International All Stars, makakaharap niya ang iba pang beteranang beauty queens mula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang limang kinatawan mula sa Pilipinas na sina Imelda Schweighart, Gazini Ganados, Fuschia Ravena, Alexia Nuñez, at Keylyn Trajano.
Iba ang format ng MGI All Stars kumpara sa regular na Miss Grand International, na kasalukuyang reining queen ng Pilipinang si Emma Tiglao.
Ang All Stars edition ng MGI ay bukas para sa mga kababaihan at transgender women na may edad 20 hanggang 40 na dati nang sumali sa international pageants ngunit hindi pa nakakamit ang korona.
Nakatakda ang coronation night ng MGI All Stars sa May 30 na gaganapin sa Thailand, kung saan maglalaban-laban ang mga kilalang kandidata.











