Kinoronahan na ang pambato ng Pilipinas na si Christine Juliane “CJ” Opiaza bilang bagong Miss Grand International 2024.
Si Opiaza ang unang Filipina na nakapag uwi ng ‘golden crown’ simula ng mag-umpisa ang pageant noong 2013.
Suot ni CJ ang isang luntian at gintong gown na likha ng kilalang Filipino designer na si Mak Tumang, emosyonal na tinanggap ni CJ ang korona mula mismong founder ng MGI na si Nawat Itsaragrisil, sa ginanap na grand coronation ceremony sa Bangkok, Thailand nitong Martes.
Kasama rin sa nasabing okasyon ang MGI Philippines national director na si Arnold Vegafria.
Matatandaan na ang pagkapanalo ni CJ ay kasunod ng pagbibitiw ni Rachel Gupta ng India, na nagbunyag ng mga alegasyon ng harassment at paglabag sa kontrata laban sa pageant organizers.
Samantala nakatakda naman ang homecoming celebration parade ni CJ sa Hunyo 8.