-- Advertisements --

Naglabas ng pahayag ang Miss Universe Organization (MUO) laban sa inilunsad na “special dinner and talk show” ni Nawat Itsaragrisil, may ari ng Miss Grand International at vice president ng MUO sa Asia, matapos nitong ipahayag sa social media ang online voting kung saan ang Top 10 na kandidatang may pinakamaraming “likes” sa social media ay makakasama niya sa naturang event.

Ayon sa MUO, hindi awtorisado ang aktibidad at binigyang-diin nilang labag ito sa kanilang intellectual property rights at brand integrity. Pinag-iingat din ng organisasyon ang publiko laban sa mga “misleading” o hindi opisyal na promosyon na ginagamit ang pangalan ng Miss Universe.

Screengrab from MUO / FB

‘The organization wishes to make it absolutely clear that this activity is not authorized. Any independent or third party activity using the Miss Universe name, logo, marks, or related branding without prior written authorization is considered a violation of intellectual property rights and brand integrity,’ ayon sa pahayag na kanilang inilabas ngayong Lunes, Nobyembre 3.

‘The organization further declares that any promotional materials, contests, or voting initiatives currently circulating online under the Miss Universe name, including those associated with the aforementioned event, are unauthorized and misleading. Such initiatives do not represent the values, operations, or official activities of the Miss Universe organization.’

Sa kabilang banda sumagot naman ang Miss Universe Thailand ukol sa isyu at sinabi na ang aktibidad ay bahagi lamang umano ng kanilang ”official marketing package” na awtorisado para sa mga host country.

Dagdag pa ng MU Thailand na ang naturang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa mga sponsor para sa mas patas at transparent na paraan ng pagpili ng mga kalahok sa ilang aktibidad ng MUO.

‘This activity is a collaboration with our valued sponsors, whose generous support has made it possible to deliver such a world-class event as everyone has witnessed. The voting process is a fair and transparent selection method designed to determine which delegates will participate in specific activities among a large number of contestants,’ ayon sa pahayag.

Dahil umano sa pag-anunsyo ng MUO, nagkaroon ng maling pag-unawa ang publiko at sinabing kanilang ipapa-review sa kanilang legal team ang insidente dahil maaari aniya itong mag-karoon ng ”potential impact” sa mga sponsors.

Handa rin daw silang magsampa ng kaso kung kinakailangan.

‘We will immediately pursue appropriate legal action in response if necessary.’

Screengrab from MU Thailand / FB

Samantala nakatakdang ganapin ang coronation night ng Miss Universe 2025 sa Nobyembre 21 sa Impact Challenger Hall sa Bangkok, Thailand, kung saan kakatawan sa Pilipinas si Ahtisa Manalo.