Nabahala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na mapagalamang ilang mga retiradong sundalo ang kumekwestiyon sa kanilang patuloy na pagtugon at paninidigan sa sovereignty rights ng Pilipinas sa katubigan ng West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, malakaa ang posibilidad na maapektuhan ng mga pahayag na ito ang iisipin ng publiko tungkol sa kanilang patuloy na paglaban sa mga iligal na presensya ng Chinese Coast Guards sa WPS.
Kasunod nito ay hinamon naman ni Trinidad ang mga retiradong sundalo na magpakita ng kanilang pagiging makabayan sa kabila ng pagiging matagal nang retired sa serbisyo.
Samantala, nanindigan naman ang AFP na patuloy lamang sila sa pagsasagawa ng kanilang mga mandato sa WPS at patuloy ring magpapaabot ng mga komprehensibo at factual based reports laban sa mga malisyoso at maling mga impormasyon na pilit kinokompormiso ang kanilang posisyon sa WPS.