-- Advertisements --

“This is for every woman rising.”

Ito ang naging pahayag ni Alexie Brooks ng Pilipinas sa kanyang opisyal na photoshoot bilang Miss Eco International 2025. Sa Instagram, sinabi ng beauty queen na, “A crown worn with grace, a voice lifted with power. This is for every woman rising. Together, we reign.”

Ibinahagi rin ang kanyang mga larawan sa official social media pages ng Miss Eco International, kung saan pinuri si Brooks bilang huwaran ng “grace, elegance, and environmental advocacy.” Ayon sa organisasyon, “Let her shine be a reminder that beauty blooms when it stands for something greater.”

Noong Abril, gumawa ng kasaysayan si Brooks bilang ikatlong Pilipinang nanalo ng Miss Eco International title sa Egypt, kasunod nina Kathleen Paton (2022) at Cynthia Thomalla (2018).

Simula nang makoronahan, aktibo siyang nagsusulong ng mga proyektong pangkalikasan, partikular sa kanyang bayan sa Iloilo.