FB IMG 1592035470011
-- Advertisements --

Mahigit 25,000 na ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa pinakahuling data mula sa Department of Health (DoH), ngayong araw ay aabot na sa 25,392 ang kabuuang bilang ng covid positive.

Nasa 607 ang nadagdag na kaso na kinabibilangan ng 504 fresh cases at 103 late cases.

Sa fresh cases 504 dito ang mula sa National Capital Region (NCR) at 85 naman sa Region 7 habang ang 173 na iba pa ay naitala na sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa late case naman ay 42 ang mula sa NCR at 61 ang galing sa ibang lugar sa Pilipinas.

-- Advertisement --

Mataas pa rin ngayon ang bilang ng mga namatay ngayong araw na 22 at may kabuuan nang namatay na 1,074.