VAX Makati
-- Advertisements --

Iniulat ng miyembro ng vaccine expert panel ng pamahalaan na maaaring masimulan na sa susunod na taon ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa general public.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante, na prayoridad sa ngayon ang pagbibigay ng booster shot sa mga health workers, mga senior citizens at mga may comorbidities o sakit.

Dagdag pa nito na hindi gaya ng health workers, maaaring hindi payagan ang mga ordinaryong mamamayan na pumili ng brand ng bakunang ituturok bilang booster shot.

Magugunitang sinimulan noong araw ng Miyerkules ang pagbibigay ng booster shot sa mga healthcare workers.

Kabilang sa mga unang nakatanggap ang mga tauhan ng National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City.

-- Advertisement --

Samantala, binubuo na ang guidelines para sa pagbibigay ng booster shots sa mga senior citizen at immunocompromised, na inaasahang magsisimula sa susunod na linggo.

Inaasahan din na lalabas ang guidelines sa susunod na linggo.