-- Advertisements --

Maaari lamang maturukan ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) booster shots ang mga health workers anim na buwan matapos na makompleto ang two-dose vaccine regime at tatlong buwan naman pagkatapos na mabakunahan ng single-dose vaccine.

Base ito sa guidelines na inilabas ng Department of Health (DOH) para sa pagtuturok ng booster doses sa mga health workers, na pawang nasa ilalim ng A1 priority group.

Mababatid na ang mga bakuna na kailangan ng dalawang doses ay ang gawa ng Pfizer, Moderna, Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.

Ang mga single-shots namang bakuna ay ang gawa ng Janssen at Sputnik Light.

Nauna nang sinabi ng DOH na maari nang magpaturok ng booster doses ang mga health workers simula ngayong Nobyembre 17.

Ang mga inaprubahang bakuna na gagamitin bilang booster shots ng mga health workers ay ang single dose na Pfizer, Sinovac, at AstraZeneca at kalahati ng regular dose ng Moderna shot.

Maaring pumili ang mga health workers kung kaparehong brand o magkaiba sa bakunang unang naiturok sa kanila ang gagamitin bilang booster shot.

Pero ito ay ibabase pa rin sa brand mixing na inaprubahan ng gobyerno, ayon sa DOH.