-- Advertisements --

Nakatakdang iproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nagwaging party-list organization sa katatapos lamang ng midterm elections.

Sinabi ni COMELEC chair Geroge Garcia, na nagpasya ang National Board of Canvasser na isagawa ang proklamasyon ng alas-3 ng hapon ngayong araw ng Lunes.

Paglilinaw niya na walang magaganap na “partial proclamation” at sa halip ay buong listahan ng mga nananalo.

Dagdag pa nito na maglalabas pa ang NBOC ng resolution sa proclamation ng mga nanalong party-list groups kabilang ang bilang ng mga nakalaang upuan para sa kanila.

Mayroong nakalaan na 63 na upuan na nakalaan sa mga party-list representative pero tinitignan ng COMELEC ang legal na remedy sa hirit ng ilang grupo na dapat mayroon pang dagdag na isa.

Ibinase ni Garcia ang bilang ng party-list sa formula na ibinahagi ng Korte Suprema sa 2009 ruling nito.

Base kasi sa National Certificates of Canvass (COC) na inilabas ng NBOC ay nanguna ang AKBAYAN, sinundan ng Duterte Youth, Tingog, 4Ps, ACT-CIS, Ako Bicol, Uswa Ilonggo , Solid North, Trabaho at CIBAC.