Iginiit ng National Citizen’s Movement For Free Elections (NAMFREL) na mula mismo sa mga datos ng mga naging election returns ng mga automated counting machine (ACM’s) ang naging basehan para maitala nila ang higit sa 18 milyong mga over votes sa buong bana para sa posiyon ng pagka-senador.
Sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo kay NAMFREL National Chairperson Angel Averia Jr., hindi nila alam kung ano ang naging basehan ng Commission on Elections (Comelec) para sabihin na ‘baseless’ ang mga naging datos na natanggap ng kanilang oraganisasyon para sa katatapos lamang na halalan.
Aniya, ang mga datos na natatanggap ng kanilang organisasyon, ng mga data centers, at maging ng mga media at maging ng publiko ay mula lamang sa iisang source at ito ay ang mga ACM na ginamit sa naging halalan.
Ang tanging ginawa lamang anaiya ng kanilang organisasyon ay i-tally ang mga boto na mula at nanggaling sa mga ACM’s na ginamit ng komisyon kasama din aniya dito ang mga datos tungkol sa precint statistics at ang mismong bilang ng mga boto.
Samantala, hindi naman nakikita ng NAMFREL na magkakaroon ito ng malaking epekto sa transparency ng national and local elections ngayong taon.
Aniya, maaari kasing mula sa pagkakamali ng mga botante na maaaring nakapag-shade ng mas marami sa dapat na i-shade sa balota at tinitignan rin kung isang deliberate act na hindi magliban ng shades sa balota ang naging dahilan ng mga sobrang bilang ng mga boto.
Sumasalamin rin aniya ang pagkakaroon ng datos ng over votes sa voter behavior ng mga botante at maaari pa rin aniya itong mangyari sa mga susunod na eleksyon.
Samantala, magmula naman sa higit 16 milyong mga over votes ay umakyat ito ngayon sa 18 milyong datos kung saan tiniyak naman ng NAMFREL na patuloy silang makikipagugnayan sa komisyon para mailatag ng mayos ang mga datos.
Samantala, sa mga lugar naman na nakapagtala ng datos ng over votes ang ahensya, pinakamataas na nakapagtala dito ay ang Abra