-- Advertisements --
Muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes, Mayo 20, matapos ang dalawang sunod na linggo ng pagbaba ng presyo, ayon sa anunsyo ng mga pangunahing kumpanya ng langis.
Posibleng umabot ang presyo ng mga produktong petrolyo sa:
- Gasolina: P1.20/litro
- Diesel: P1.70/litro
- Kerosene: P1.20/litro
Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Undersecretary Rodela Romero, ang dahilan ng pagtaas ay ang patuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, gayundin ang negatibong outlook ng global oil supply mula sa Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).