Bumaba na ang bilang ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan sa bansa ngayon.
Ayon sa Philippine Coast Guard, mula sa 120 kahapon, 67 pantalan na lamang ang apektado ng masamang panahon.
Ang mga stranded na pasahero at driver ay 2,951 na lamang mula sa dating 4,372.
Sa monitoring ng Philippine Ports Authority, suspendido pa rin ang biyahe ng ilang sasakyang pandagat sa mga lugar na apektado pa rin ng Bagyong Tino, kasama na ang mga biyahe sa Batangas, Eastern Leyte/Samar, Misamis Oriental/Cagayan de Oro, Negros Occidental, Panay/Guimaras, at Palawan.
Sa Bohol, suspendido pa rin ang biyaheng Tagbilaran – Cebu at Loon, Bohol – Argao, Cebu.
Sa Quezon at Mindoro, wala pa ring biyahe ang Lucena-Masbate at San Andres-Masbate, pati na rin ang Lucena-Romblon at San Andres-San Pascual.
Sa Sasa Port sa Davao, wala pa ring biyahe ang Davao-Gensan-Iloilo-Manila.
Sa North Port, suspendido pa rin ang biyahe na patungong Manila-Siargao-Butuan-Ozamis at Manila-Cebu-Tagbilaran. Sa NCR South Port, wala pa ring biyahe ang Manila-Palawan.















