-- Advertisements --

Nasunog ang isang warehouse ng mga cable at PVC sa Brgy. Guinhawa, Tuy, Batangas nitong Biyernes.

Nagsimula ito bandang umaga pa ngunit mahigit apat na oras na ngunit malaki pa rin ang sakop ng pagkalat ng apoy.

Dahil sa nasabing sunog, humihingi ng dagdag na pwersa ang lokal na otoridad sa mga kalapit na probinsya.

Napilitan naman silang isara ang mga kalsadang malapit sa lugar ng insidente dahil ang mga cable at poste ay kabilang sa naapektuhan ng sunog.

Patuloy ang pag-apula ng mga bumbero sa sunog kaya hindi pa masabi kung gaano kalaki ang halaga ng mga napinsala.

Inaalalayan naman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRM) ang mga apektadong residente.