Photo courtesy of NBA

Humugot ng 21 points at anim na assists si Kevin Durant, tampok ang dalawa nitong dakdak sa first half bago ma-eject, at gumulong ang Golden State Warriors sa Denver Nuggets, 116-99.

Sa tagisan ng dalawang top teams sa Western Conference, namayani ang season-best na 28 points ni DeMarcus Cousins sa kanyang 12-for-17 shooting, 12 rebounds, limang assists at dalawang blocks para sa Warriors.

Nasipa sa laro si Durant sa 8:21 marka ng third quarter nang sigawan nito ang referee na si Zach Zarba dahil sa kawalan ng foul call.

Ito na ang kanyang ika-14 at ika-15 technicals at isa na lamang ang kailangan para sa automatic suspension.

Nagdagdag ng 17 points si Stephen Curry (16,236), para kanyang mahigitan si Chris Mullin (16,235) sa ikaapat na puwesto sa all-time points list ng Golden State.

Habang nalimitahan naman sa 17 points si Jamal Murray para masandalan ng Denver.