Isang maliit na “private sevice” muna ang pinaplano umano ng pamilya ng pop-country singer na si Kenny Rogers na pumanaw na sa edad na 81.
Sa anunsyo mismo ng naiwang pamilya, sumakabilang-buhay si Rogers nitong Biyernes ng gabi sa Amerika o kaninang umaga Manila time dahil sa natural cause o sa katandaan na nito.
Payapa naman daw yumao ang singer kung saan nasa paligid nito ang mga mahal sa buhay habang nasa kanilang bahay lamang sa Georgia.
Gayunman, may mga impormasyon na dahil nga sa deadly Coronavirus Disease 2019 na problema rin ng Amerika, ipagpapaliban ng pamilya ang public memorial para sana sa mga fans.
Si Kenny ang nanguna sa pop at country charts noong 1970s hanggang ’80s at tatlong beses siyang nanalo ng Grammy Awards.
Ilan sa mga hit ballad songs ni Kenny Rogers ay ang “You Decorated My Life,” “She Believes In Me,” “Three Times A Lady,” signature song na “Through The Years,” at marami pa.
Si Kenny ay isa sa founders ng sikat na chain ng chicken-based restaurants na itinayo noong 1981 at ipinangalan mismo sa kanya.
Ka-partner niya rito ay si John Y. Brown Jr., na dating Chief Executive Officer ng KFC.