Niyanig ng dalawang pagsabog ang lungsod ng Cotabato.

Ayon kay Police Lieutenant Teofisto Ferrer Jr ng City Police Precint 2, naganap ang pagsabog 10:30 Linggo ng gabi.

Base sa imbestigasyon nila na galing sa 40mm mortar na pinasabog gamit ang M-79 grenade launcher tube ng hindi pa kilalang mga suspek sa labas ng City hall compound sa Purok Omar, Malagapas, Rosary Heights 10.

Wala namang naitalang nasaktan at patulo na iniimbestigahan na ng mga kapulisan ang insidente.