CCAGAYAN DE ORO CITY – Biglaan na iniurong ng complainant na dating punong barangay ang corruption cases na inihain nito laban kay incumbent City Mayor Oscar Moreno ng Cagayan de Oro.
Ito ay matapos naghain ng affidavit of desistance si former Taglimao Punong Barangay William Guillani sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Korte Suprema laban sa alkalde sa magkahiwalay na reklamong kurapsyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Guillani na kaya nito napagdesisyunan na iurong ang mga reklamo ay dahil nais na niya makipagbati kay Moreno na nagsilbing distant relative ng kanilang angkan.
Nag-ugat ang reklamo sa umano’y kuwestiyonableng reclassification ng kompaniyang Ajinomoto para makalikom ng tamang buwis na para kay Guillani noon ay nakalabag sa local government of the Philippines provisions.
Ipinag-utos pa noon ng Ombudsman na tanggalin sa katungkulan si Moreno subalit hinarang ng Court of Appeals-Mindanao kaya umaabot ang labanan sa Korte Suprema.
Tinangka rin na ipasuspende ang alkalde ni Duterte kaya inihain ang isa pang administrative case ukol sa higit P70 milyon na cash advance nito sa lungsod.
Samantala,inihayag naman ni Moreno na matagal nang nabasura ang kaso kaya wala ng dapat iurong si Guillani.
Bagamat ng opisyal na nagbigay sa kanya ng matinding sakit ng ulo ang muntikan na pagkaalis nito sa puwesto subalit matagal na niya pinatawad ang kanyang kaanak na naghain ng kaso taong 2013.