-- Advertisements --
Ibinahagi ng American rapper na si Snoop Dogg ang pagiging co-owner at investor ng football club na Swansea City.
Una ng naging model ang 53-anyos na rapper ng ilunsad ng koponan ang kanilang home kits para sa 2025-26 season.
Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng pagiging clubs ownership groups ni Real Madrid at Croatia legend Luka Modric.
Labis naman na ipinagmalaki ng American rapper ang pagiging co-owner nito kung saan mula pa noon ay nahihilig siya sa football.
Paglilinaw naman ng koponan na nais nilang maitaas ang profile ng club para makalikom ng mas maraming mga kita.