-- Advertisements --

Nagpahayag ng labis na kalungkutan si Pope Leo XIV matapos ag pagkasawi ng tatlong katao habang sila ay nakikituloy sa isang Simbahang Katolika sa Gaza City.

Sinabi nito na lubhang nakakabahala at nakalalungkot ang ginawang airstrike ng Israel sa Holy Family Church.

Sa nasabing insidente ay mayroong siyam na iba pa ang sugatan kabilang ang Kura Paroko.

Inamin naman ng foreign ministry ng Israel na hindi nila sinadya na tamaan ang mga religious site lalo na at madamay pa ang mga sibilyan kung saan tiniyak nila na kanilang pag-aaralan ang pangyayari.

Marami kasing mga residente ng Gaza ang tumutuloy sa mga simbahan mula ng paigtingin ng Israel ang kanilang pag-atake.

Noong buhay pa si Pope Francis ay lagi niyang tinatawagan ang simbahan at kinukumusta ang mga kalagayan ng mga sumisilong na mga naapektuhan ng giyera.

Dahil dito ay muling nanawagan si Pope Leo XIV ng pangmatagalang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.