-- Advertisements --

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na legitimate ang isinagawa nilang operasyon kung saan nakalaban nila ang grupo ni Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Dinoso matapos nilagpasan ang checkpoint ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon sa PNP, ginagawa lang nila ang kanilang mandato na ipatupad ang mga nararapat na reglamento partikular na sa mga usaping may kinalaman sa May 2022 polls.

Ayon kay Cordillera Regional Police director, B/Gen. Ronald Oliver Lee, sa halip na huminto sa nakalatag na COMELEC checkpoint sa Barangay Poblacion, hinarurot umano ang sasakyan ni Disono, binangga ang police mobile at pinaputukan pa ang mga pulis na nagbabantay doon.

Dahil dito kaya napilitang gumanti ng putok ang kapulisan na nagresulta sa habulan hanggang sa kinordon ang bahay ng bise alkalde para arestuhin ang pasaway na driver ng sasakyan.

Sa ngayon, nakakordon pa rin ang compound ng vice mayor at wala nang nangyaring standoff dahil haharapin na raw ng grupo nito ang mga kasong isasampa ng PNP.