-- Advertisements --
Binura ng Converge FiberXers ang 18 points na kalamangan ng Terrafirma para makuha nila ang panalo 117-103 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng FiberXers si King Caralipio na nagtala ng 18 points at 10 rebounds habang mayroong tig-17 points sina Alec Stocton, Justine Baltazar at Justin Arana.
Mayroon ng anim na panalo at apat na talo ang Converge habang ang Dyip ay mayroong isang panalo at walong talo.
Nasayang ang nagawang 23 points ni Stanley Pringle habnag mayroong 18 points si Louie Sangalang at 17 points naman ang naitala ni Keith Zaldivar para sa Dyip.