-- Advertisements --

Binawi na ng House quad-committee (quad-comm) ang contempt at detention orders na inihain laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque, asawa nitong si Mylah at dating presidential adviser Michael Yang.

Nitong gabi kasi ng Lunes, Hunyo 9 ay opisyal na tinapos ng special joint panel ang 11-buwan na imbestigasyon in aid of legislation.

Kasama rin na inalis ang contempt at detention order laban kina Police Colonel Hector Grijaldo at Senior Police Officer 4 (SPO4) Arthur Narsolis.

Unang ipinanawagan ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano isa sa apat na co-chairmen ng quad-comm na dapat tanggalin na ang contempt at detention order kay Roque at iba.

Sinang-ayunan at inaprubahan naman nito ni quad-comm overall chairman, Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers.

Nagsimula ang pagbuo ng quad-comm para pagkonektahin ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), extrajudicial killings (EJKs), money-laundering, illegal drugs, at ang madugong paglaban sa droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dalawang beses na na-contempt ng quadd comm si Roque na ang una ay pagsisinungaling na may kinalaman kay Cassandra Ong, isang POGO representative at ang bigo nitong pagbibigay ng mga dokumento na may kinalaman sa POGO operations sa Pampanga.

Mula noong nakaraang taon ay umalis na sa bansa si Roque at humingi ng asylum sa the Netherlands.