-- Advertisements --

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na apektado ang 19 na overseas Filipino workers (OFWs) sa sumiklab na mapaminsalang sunog sa isang high-rise residential building sa Hong Kong nitong Miyerkules, Nobiyembre 26 na kumitil na ng 55 katao.

Ayon kay OWWA Administrator Patricia Caunan, karamihan sa mga apektadong Pilipino ang nawalan ng kanilang pasaporte at mga kontrata sa trabaho dahil sa sunog.

Una rito, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang napaulat na mga Pilipinong nasawi o nasugatan sa sunog.

Base naman sa local authorities, nag-iwan ang sunog ng daan-daang nawawalang indibidwal.

Ayon sa local police, naaresto na ang tatlong kalalakihan na pinagsusupetsahang nakagawa ng gross negligence sa pamamagitan ng pag-iwan ng foam packaging sa mismong pinangyarihan ng sunog.