-- Advertisements --

Tinapos ng Philippine Fleet (PF) nitong Lunes ang taunang unilateral exercise nitong taon, Exercise “Pagbubuklod”, na layong hasain ang combat skills ng kanilang air at naval units.

Ayon sa PF, nakatuon ang drills sa apat na aspeto ng naval warfare: anti-surface, anti-subsurface, anti-air, at electronic warfare. Ginawa ito sa dalawang yugto: sa port/harbor at sa field/at-sea, na pinaghalo ang mission planning, capability preparation, at hands-on execution.

Humigit-kumulang 1,000 personnel ang lumahok, kabilang ang mga reservists, suportado ng 12 barko ng Philippine Navy, 3 air assets mula sa Naval Air Warfare Force, 2 FA-50PH ng Philippine Air Force, at dagdag na deployment mula sa higher headquarters.

Ipinakita sa drills ang coordinated combat scenarios, interoperability, at seamless coordination sa pagitan ng PF units at iba pang sangay ng AFP, alinsunod sa Self-Reliant Defense Posture at Comprehensive Archipelagic Defense Concept. (report by Bombo Jai)