Zim Kingston ship
-- Advertisements --

Agad na inilikas ang 16 na katao matapos ang masunog ang container ship na kanilang sinasakyan sa karagatang bahagi ng Canda.

Patungo sa Vancouver ang Zim Kingston ship ng ito ay biglang nasunog.

Mabilis naman nakaresponde ang ilang mga barko para maapula ang sunog.

Ayon sa Canadian coast guard na naglalabas umano ng mga toxic gas ang barko.

Kasamang nasunog dito ang 10 containers.

-- Advertisement --

Base sa ulat din ng mga otoridad na mayroong kargang 52,000 kilos ng kemikal ang nasunog na barko.