LAOAG CITY – Nahuli sa drug buy bust operation ang isang construction worker na kabilang umano sa Top 10 regional level ng PDEA matapos magbenta ng hinihinalang iligal na droga.

Nakilala ang suspek na si Louie Lloyd Pagala y Beltran, 27, ng Brgy. 14 Tartarabang, Pinili, Ilocos Norte.

Nangyari ang transaksiyon sa Lacuesta St., Brgy. 2, Pagdilao, Pinili, kung saan nagbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa PDEA agent na nagsilbing poseur buyer.

Maliban dito, nakumpiska sa posisyon ng suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 marked money at motorsiklo.

Nabatid na tubong Abkir, Vintar, Ilocos Norte ang suspek kung saan naroon ang kanyang mga magulang at nakikitira sa kanilang kamag-anak sa Pinili dahil sa kanyang trabaho bilang construction worker.