-- Advertisements --

Kinumpirma ng House small committee na kanila ng tinanggal ang confidential funds mula sa mga sumusunod na government offices at departments.

Ito ay bahagi sa kanilang ipinatupad na institutional amendments para sa panukalang  2024 budget.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na unanimous ang kanilang desisyon na gawing zero budget ang confidential and intelligence funds ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Ang mga ahensiya na tinanggalan ng kanilang confidential and intelligence ay ang Office of the Vice President
Department of Education ,Department of Agriculture,Department of Information and Communications Technology at
Department of Foreign Affairs.

Sinabi ni Quimbo na ang mga nasabing CIF ay ibibigay sa mga ahensiya na karapat dapat.

Ngayong araw, October 10, itinakda ng small committee na kanilang tapusin ang institutional at individual amendments para sa 2024 proposed national budget.