SWING OUT
Swing Out Sister/ FB image

Kinansela ng British pop duo na Swing Out Sister ang kanilang concert sa Pilipinas.

Ito ay dahil sa patuloy pa rin ang banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Gaganapin sana ang concert ng 80’s pop group sa Abril 16 sa Smart Araneta, at sa April 17 sa SMX Convention Center sa Davao at sa Abril 19 sa Waterfront Hotel Cebu.

https://www.facebook.com/swingoutsister/videos/1310421619156896/

Inanunsiyo na lamang ng grupo na mapapanood ng kanilang fans ang kanilang performance sa kanilang mga Facebook page.

Binubuo nina Corrine Drewery at Andy Connell kung saan pinasikat nila ang awiting “Breakout” at maraming iba pa.