-- Advertisements --
Napasok ng computer hacker ang computer system ng PHilippine Health Insurance o PHILHEALTH.
Ayon sa Department of Information Communications Technology (DICT) na nitong Biyernes ng umaga ay naiulat sa kanila ng Philhealth ang insidente.
Isang uri umano ito ng ransomware na konektado sa Medusa Ransomware.
Hindi naman na binaggit ng DICT kung anong computer system ng Philhealth ang na-access o ano ang mga datus na nakuha ng mga hackers.
Ang nasabing ransomware ay isang paraan ng mga hackers na hihingi ng pera sa mga biktima nila para maibalik nila ang mga ninakaw na mga data at impormasyon mula sa computer system.