-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Naghahanda na sa ngayon ang composite team ng ibat-ibang probinsiya para sa gagawing vaccination laban sa COVID-19 kasabay ng pagdating ng 18,000 vials ng Sinovac vaccine sa Soccsksargen region.

Ayon kay Dr.Aristides Concepcion Tan, Director 1V ng DOH-12, ang nasabing vaccine ay para sa 23 referral hospitals sa rehiyon.

Mula sa naturang bilang, mabibigyan ng bakuna ang anim na referral hospitals sa General Sants City, lima sa South Cotabato, apat sa North Cotabato, apat sa Sultan Kudarat at dalawa sa Saranggani province.

Kabilang din sa alokasyon ang Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City and Cotabato Sanitarium Hospital sa Sultan Kudarat at Maguindanao.

Nilinaw naman ng opisyal na boluntaryo lamang ang pagpapabakuna subali’t hiniling pa rin nito sa lahat na magpaturok ng bakuna dahil ito lamang ang mabisang panlaban sa virus.

-- Advertisement --