Commissioner Rowena Guanzon
Comm. Guanzon/ Twitter Image

Plano ni Election Commissioner Rowena Guanzon na isama sa 1-year appointment ban ang mga party list nominees.

Kasunod ito sa pagkakatalaga kay Mocha Uson bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay Guazon na kaniyang kakausapin ang committee ni Senator Imee Marcos para ilatag ang nasabing usapin.

Nararapat aniya na maglagak ng bond ang mga partylist sakaling ang nominee ay disqualified.

Magugunitang marami ang kumuwestiyon sa pagkakatalaga kay Mocha sa nasabing posisyon na unang pinaliwanag ni Comelec spokesman James Jimenez na hindi sakop ang mga partylist nominees.