-- Advertisements --

Tuluyan ng ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang registration ng Duterte Youth Party-list, kinumpirma yan ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia. Sa naging boto na 5-1-1, lima ang umayon sa naging desisyon ng 2nd Division na ibasura ang registration, isa naman ang hindi sumang-ayon at isa ang nag-inhibit sa kaso.

Ayon sa resolusyon na inilabas ng poll body, hindi tinanggap ang ipinasang Motion for Reconsideration ng naturang party-list dahil kulang ito sa merito. Walang nakita ang en banc sa MR na maaaring mag-reverse sa naging desisyon ng 2nd Division.

Noong Hunyo 18, ibinasura rin ng COMELEC 2nd Division ang registration ng Duterte Youth party-list kasunod ng kakulangan nila sa publication at hearing of party-list accreditation na requirement ng poll body.

Matatandaang pumangalawa sa may pinakamaraming nakuhang boto noong 2025 Midterm Elections na umabot sa mahigit 2.3M. Tatlong seats ang nakuha sana ng naturang party-list ngunit hindi sila iprinoklama dahil sa mga pending na kaso.

Maaari pa namang umapela sa loob ng limang araw ang naturang party-list sa Korte Suprema para makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO).