Nagtakda ang Commission on Elections (Comelec) ng mga rules para sa pagsasagawa ng Sangguniang Kabataan special elections (SKSE) para punan ang daan-daang bakanteng posisyon sa mga community council sa buong bansa.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang pagkakaroon ng kumpletong membership sa Sangguniang Kabataan (SK) ay mandato sa ilalim ng batas.
Ayon pa kay Comelec chair, ang SK ay kumakatawan sa mga kabataan sa konseho at ang non-representation nito ay nangangahulugan na hindi mapakikinggan ang boses o panawagan ng mga kabataan.
Makikita sa datos ng Comelec na mayroong 139 at 553 na bakanteng posisyon para sa mga SK chairmen at members, dahil walang kandidatong tumakbo para sa mga puwestong ito noong May 2023 elections.
Sa ilalim ng bagong rules, maaaring magsagawa ng special elections ang Comelec kapag ang bilang ng mga opisyal ng SK na nahalal ay mas mababa sa kinakailangang quorum, kapag walang naghain ng kinakailangang certificate of candidacy, o walang kwalipikadong kandidato.
Ang sertipikasyon ay dapat magsaad ng mga ground o batayan para sa pagsasagawa ng special election at ang mga posisyon na kailangang punan.
Dapat ding isumite muna ang certification sa office of the provincial election supervisor.
Samantala, ang tanggapan ng regional election director ay dapat pagsama-samahin ang mga report at dapat isumite sa opisina ng Comelec ng executive director for operations.
Ang mga nahalal sa SKSE ay magsisilbi sa natitirang termino ng mga bakanteng pwesto.