Nagbigay paalala si Commission on Elections Chairman (COMELEC) George Erwin Garcia sa mga kandidato na simulan ng baklasin ang mga campaign materials lalo na yung mga malalaking posters na nagkalat sa mga kalsada ngayong araw. Simula kasi ng 12 nang madaling araw, ipagbabawal na ang ano mang klase ng pangangampanya kahit sa social media.
Hinimok din ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na i-respeto ng mga kandidato ang huling araw na maaaring makapamili ang mga botante.
Ang lahat ng makokonsiderang pangangampanya ng mga kandidato simula bukas hanggang sa araw ng halalan ay maaaring maging dahilan para sa diskwalipikasyon.
Ang official na campaign ban ay alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11086 ng Fair Elections Act na nagsasabing ipinagbabawal ang lahat ng election-related activities katulad ng mga pagpapaskil ng campaign materials o kaya pamimigay ng libreng sakay, pagkain o inumin.