-- Advertisements --

Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga indibidwal na lalabag sa ipinatutupad nitong pagbabawal sa pagha-hire at pagde-deploy ng mga tauhan ngayong panahon ng halalan.

Ito matapos na makatanggap ng mga reklamo ang komisyon hinggil sa mga napapaulat na paglabas sa nasabing kautusan sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10742 alinsunod sa Section 261 ng Omnibus Election Code (OEC).

Ayon sa komisyon, ilan sa mga complaints na ito ay kinasasangkutan ng mga opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Bumuo raw kasi ng mga bagong posisyon, at nagtalaga rin ng mga job order employees upang palitan umano ang mga kasalukuyang nanunungkulang head ng kanilang mga opisina si newly-appointed Secretary Atty. Guiling Mamondiong kahit na ipinagbabawal ito ng Comelec.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Law Department ng Comelec tungkol dito upang malaman kung lumalabag nga ba sa probisyon ng election law ang NCMF.

Nanawagan rin ang poll body sa lahat ng kinauukulang opisyal ng mga ahensya ng gobyreno at iba pa na mahigpit na sumunod sa mga ipinatutupad na election laws and regulations.