-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) na walang anumang nakompromiso sa kanilang datos.

Kasunod ito sa pagkakaaresto sa isang Chinese spy na nagmamanman malapit sa nasabing opisina nila.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, na hindi dapat mabahala ang publiko dahil sa walang anumang election data sa kanilang main office.

Nagsagawa sila ng mahigpit na pagsusuri at walang nakompromiso sa kanilang sistema.

Una rito ay naaesto ng National Bureau of Investigation ang isang Chinese national na nakuhanan pa ng International Mobile Subscriber Identity catcher na isang gadget na kayang sumagap ng text messages.