-- Advertisements --
Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi sila maghihigpit pagdating sa kulay ng damit na maaaring isuot ng botante sa loob ng presinto. Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na hindi naman patas na kasuhan ng election offense ang isang tao dahil lang sa kanyang suot na damit dahil maaaring ito ay nagkataon lang.
Ngunit, kung sila ay grupo na papasok sa loob ng botohan, ito na ang maaaring makonsiderang pangangampanya. Dagdag pa ni Garcia na kapag may mukha, pangalan o kahit numero ng kandidato ang suot na damit ng botante, ito na ang hindi papayagan ng poll body.
Aniya, kung gagawin man ito sa araw ng eleksyon, maaaring maapektuhan ang kandidatong sinusuportahan o invove sa pagsusuot ng damit bilang pangangampanya.