-- Advertisements --
Dinismiss ngayong araw ng Commission on Elections (COMELEC) – First Division ang petition for disqualification ng Bagong Henerasyon party-list. Bagaman, ito ay dinismiss na, hindi pa sila agarang mapoproklama dahil ito ay hindi pa final and executory.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia, na-dismiss ang petition dahil sa technicalities pa lang at hindi na humantong sa mismong merits ng kaso.
Kahit na na-dismiss na ang kaso, hindi pa rin sila mapoproklama dahil kailangan pang hintayin ang magiging sagot ng petitioner at kung pagkatapos ng limang araw at walang nakuhang sagot ang division, magiging final and executory na ito. Susunod na rito ang mangyayaring special proclamation para sa party-list.