Humanga ang British rock band na Coldplay sa ginawang cover ng BTS sa kanta nilang “Fix You”.
Kinanta kasi ng Korean pop group ang 2005 song ng banda sa MTV unplugged.

Sa kanilang Twitter ay nagpost na lamang ang banda ng tatlong heart emoji at inilagay ang inisyal na C,G,W & J”.

Ang nasabing initial na letra ay letra ng mga miyembro ng banda na si Chris Martin, Guy Berryman, Will Champion at Jonny Buckland.

Mahalaga aniya sa banda ang kanta dahil gawa mismo ito ng singer ng banda na si Chris Martin para sa dating asawang si Gwyneth Paltrow matapos na pumanaw ang ama ng actress.